Housing, urban settlement prayoridad sa QC gov’t

PINUPUPURSIGE ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na mapaglaanan ng disenteng tahanan at maayos na pamumuhay ang mga mahihirap na taga-lungsod sa ilalim ng programang housing at urban resettlement.

Sa kanyang ikalawang state of the city address (SOCA), sinabi ni Mayor Herbert Bautista, na patuloy na nagpapatupad ng mga makabagong istratehiya ang lokal na pamahalaan upang matulungan na mailipat sa mas ligtas at maayos na lugar ang informal settlers ng lungsod.

“Kailangang isaayos ang programang pabahay ng lungsod upang matiyak ang kaligtasan ng may 232,430 na mahihirap na pamilya na nakatira sa mga lugar na ma-peligro,.” anang alkalde.

Sa ngayon, ang Quezon City ang isa sa mga lokal na pamahalaan na tumupad sa deadline na itinakda ni Pangulong Benigno Aquino na magsumite ng sariling shelter plan para sa limang-taong framework na magiging daan upang maibsan ang malaking pangangailangan ng pabahay sa maraming mahihirap na mamamayan.

Una nang inihayag ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., na ang QC ang tatanggap ng malaking share sa P10-bilyon housing program ni Pangulong Aquino para sa mga lokalidad sa Metro Manila na ilalaan sa informal settlers sa kanilang komunidad.

Upang makamit ang housing requirements ng QC, pinangunahan ni Bautista ang paglulunsad sa major housing projects ng lungsod kasabay sa pagdiriwang sa 133rd birth anniversary ni dating Pangulong Manuel L. Quezon sa Barangay Payatas na tinawag na Bistekville I, na naglaan ng pabahay sa may 400 informal settler kasama na ang mga guro sa pampubliong paaralan sa lungsod.

Susundan naman ito ng paglulunsad sa Bistekville II project sa Barangay Kaligayahan na mas maraming mahihirap na taga-lungsod ang mabibiyayaan ng programa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply