Hubo’t hubad na salvage victim itinapon sa QC

NATAGPUAN ng isang residente ang bangkay ng isang lalaki na hinihinalang biktima ng summry execution kaninang umaga sa Quezon City.

Batay sa ulat ng pulisya, ang biktima ay tinatayang nasa pagitan 40-45, may mga tattoo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nakamarka sa tagiliran ang “Bahala na Gang.”

Ang bangkay ng di pa kilalang biktima ay may dalawang nakabaon na pako sa bumbunan na posibleng ikinamatay nito matapos matagpuan ng isang residente dakong alas-7:00 ng umaga.

Hinihinala ng mga awtoridad na ang biktima ay pinatay sa ibang lugar bago ibinalot sa kulay itim na garbage bag at itinapon sa madamong lugar sa Pasong Putik, malapit sa Maligaya Park ng nabanggit na lungsod. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply