Hukom todas sa road mishap

DEAD on the spot ang isang kilalang hukom sa Zamboanga del Sur matapos na salpukin ng isang rumaragasang sports utility vehicle ang sasakyan nito kahapon (Oktubre 17) sa national highway ng nabangit na lalawigan.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz, Jr., naganap ang sakuna bandang alas-5:15 ng hapon sa bisinidad ng Barangay Kahayagan East, sa bayan ng Aurora ng nabangit na lalawigan.

Sa harap ng manibela nalagutan ng hininga ang biktimang si Hon. Judge Ernesto Maximo Victor Laurel ng Aurora Regional Trial Court Br 30, ZDS.

Nabatid na mismong ang hukom ang nagmamaneho ng kanyang kulay puting Volkswagen sedan na may plakang GGV-417 ng makasalpukan nito ang isang kulay asul na Mitsubishi Montero Sport SUV na may plakang KFM 655 na minamaneho ni Francis Benhur Escueta.

Sa inisyal na pagsisiyasat, tinatahak umano ng dalawang sangkot na sasakyan ang kahabaan ng national highway ng biglang sumalpok ang SUV sa kotse ng hukom na naging sanhi ng daglian nitong kamatayan.

Kasalukuyang hawak ngayon ng Aurora municipal police station ang driver ng Montero habang isinasagawa ang follow-up investigation at paghahanda ng kaukulang kaso na ihahain sa piskalya. Verlin Ruiz

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply