Huli man at magaling, huli pa rin

MASYADO nang mahaba ang salida ni PNoy sa pangangasiwa sa gobyerno: labing-anim na buwan na puro simula, puro porma at ang taumbayan ay walang nakikitang makabuluhang mehora at pagbabago sa kapaligiran ng ating lipunan.

Hindi mapigil ang pagdating ng mga bagyo, hagupit ng malalakas na hangin at ulan na nagdudulot ng mga pagbaha – marami ang namamatay at bilyon-bilyong piso ang nawawasak na ari-arian ng bayan.

Natural lamang na madaling umaksyon ang pambansang liderato – tulungan ang mga biktima ng kalamidad at ito naman ay ginawa at patuloy na dapat gawin ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Pero, por dios por santo – hindi naman araw-araw ay umuulan,  bumabagyo at tayo ay nagkakaroon ng kalamidad.

Hindi dapat dito na lamang ibuhos ang buong puwersa at lakas ng gobyerno sa masaklap na pangyayari na dumarating sa ating kamalayan.

Paano na ang ipinagmamalaking PPP – Public Private Partnership ni PNoy?  Ito ay binubuo ng malalaking infrastructure projects, tulad ng airport, malaki at malawak na lansangan, tulay, RORO – Roll-On-Roll-Off at mga proyekto sa modernisasyon ng mga riles ng tren na malaking tulong sa mga biyahero.

Aba, eh, talagang sobra na ang l6 na buwang salida ni PNoy upang hindi makaipon ng sapat na lakas at maibuhos ang kahit isang supot ng semento sa panukalang mga lansangan.

Ang PPP ay mukhang mapapalitan ng ODA – Overseas Development Assistance sapagkat dito ay higit na makatitipid ang gobyerno.

Nakatipid ang gobyerno ng 135 billion pesos sa nakalipas na 15 buwang pamamahala ni PNoy.

Ang pondo ay nagmula sa mga kinanselang proyekto ng DPWH – Department of Public Works and Highways na umano’y overpriced at hindi sumunod sa maayos na proseso; mga kontrata sa Belgian investors ukol sa  dredging sa lawa ng Laguna atbp. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply