Hummer, Chrysler, P20.2-M produkto kumpiskado ng BOC

NAHAHARAP sa legal na usapin ang dalawang kumpanya at isang mangangalakal matapos makumpiska ang kanilang mga kargamento sa Bureau of Customs dahil sa misdeclaration at undervaluation .

Ang importer na si Christina Bitanga McCain ay malulugi ng P12 milyon sa pagkakumpiska ng kanyang kargamento na naglalaman ng isang Aprilia motorcycle isang Hummer at isang Chrysler 300C sa paglabag sa Section 2530 ng Tarrifs and Customs Code of the Philippines .

Gayundin ang kaso ng Japan Homes Incorporated ay malulugi rin ng P2.1 milyon sa pagkakumpiska ng 1,834 na kahon ng cosmetics na isiniksik sa isang 40 footer na container sa paglabag din sa Section 2530 ng TCCP.

Samantalang ang RMG Trading  ay lugi ng 6.1 milyon sa pagkakumpiska ng siyam na container vans na naglalaman ng sako-sakong green peas, U-bolts, mga lumang sapatos at bags,  connectors sa kuryente, dahil sa pagggamit ng mga huwad na pangalan bilang consignees ng mga ito.

Ang operasyon sa pagkakakumpiska ng mga kargamento ay bunsod ng masigasig na paniniktik ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service na pinamumunuan ni CIIS Special Operations Head at Asst. Chief of the Intelligence Division  na si Eric G. Albano.

Pinangunahan ni Customs Commissioner Ruffy Biazon at Customs Intelligence Chief Danny Lim ang pagprisinta sa mga mamamahayag ng tatlong sasakyan at iba pang mga produkto ng importers at inulit ang kanilang babala na patuloy ang kampanya laban sa smuggling.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply