Hunk-actor hinahalikan ang lahat ng reporters na nakikita sa isang party

MATAGAL nang semi-retire ang hunk actor na ito at talaga namang katilam-tilam ang kanyang kaanyuan noong kanyang panahon ng pamamayagpag nito. Sabi nga ng isang direktor, Pinoy na Pinoy ang dating, moreno, maganda ang height at bulung-bulungan ang katigasan at kalakihan ng kanyang ‘manoy.’

Gustong-gusto ni Direk itong bold actor pero duda ako kung nalawayan niya ito. Maraming mga bading ang nagtilam-tilam sa kanya pero parang wala siyang panahon sa nga ito dahil pang-girl ang tipo nito.

Marami na rin siyang nagawang movie na puro bold noong kapanahunan nina Ynez Veneracion, Klaudia Koronel. Kaya lang biglang itong na “waley,” balitang naghosto sa Japan pero may balitang nasa probinsya ito at may sariling pamilya.

Heto na Hartita, bigla siyang na-sight sa isang party, looking mature. Siguro dahil humpak ang fez pero still a picture of a man with oozing asim sa katawan.

Aba mabuti at nabibilang ang mga reporter ang nandoon ng gabing ‘yun.  Matuk mo, isa-isa niyang pinaghahalikan ito, not in the fez or in the neck at lalo na hindi sa tenga, eeeiiiiow! Kundi tralalalalalala … sa lips! kalokah ang isang bading na talent manager na talagang sinundan-sundan ang aktor dahil gusto niyang makipaghalikan dito. The nerve!

Siguro, noong panahon na may hawak itong sikat na bold star din ay hindi siya puwedeng mamangka sa dalawang ilog kahit sobra ang pagnanasa nito sa bold actor, dahil may alaga na ito. Tamaaaa!

Heto ang story, gustong bumalik sa eksena ang nasabing bold actor at hindi siya takot na isulat na pinaghahalikan ang mga reporters.  Rason nito, it’s his way of thanking those writers na tinulungan siya sa publicity. Wala siyang pakialam kung isusulat siyang pinaghahalikan ang lahat ng reporters.  Talbog!

***

German Moreno breaks the rule, nag-guest sa isang show ng Kapamilya

NAGULAT ang lahat at talagang namangha na nakita si German Moreno na kasama si Billy Crawford sa isang production number sa “Showtime” noong Martes in connection with the 2nd Anniversary ng show. Alam naman natin ang loyalty ng Master Showman dahil may mga offer sa kanya ang ibang network pero he sticks with Kapuso.

May alam pala si Billy ng ilang trick o puwedeng sabihing madyik-madyikan dahil ang ginawa nitong production number ay may hawig sa ginawa ni Alakim of PGT fame. Like biglang nawala sa stage si Billy pero ang bumulaga sa entablado ay si Kuya Germs. Grabe, palakpakan ang lahat while Billy, bumulaga siya sa balkonahe na kinalalagyan ng mga hurado.

Heartwarming ang nasabing eksena ng mag-ama lalo na sa unang pagkakataon ay napanood si Kuya Germs sa isang show ng Dos. Alam nitong maunawaan ng Kapuso ang ginawa nito, pinagbigyan lang nito ang hiling ng anak. Aniya, gagawin nito ang lahat alang-alang sa kanyang anak na si Billy. And this proves, wala siyang sama ng loob sa ‘anak’ nang lumipat ito sa Dos.

***

Dr. Manny Calayan at Vicki Belo, magkasama sa ‘Showtime’ bilang hurado

WALANG tensyon na mangyayari kina Dr Manny Calayan at Vicki Belo dahil ang numero ng upuan na nabunot ni Doc Calayan ay number One while, number Five naman ang kay Ms Belo. Hence, malayo sila sa isa’t isa.

Wala ring talbugan sa ‘sampol’ portion ng show dahil Ms. Belo was so graceful sa kanyang belly dancing while Doc Calayan naman, hip-hop dancing ang ipinamalas at nagbigay pa ng bonus na kanta, ang Mahiwaga na theme song ng “100 Days to Heaven.”

Kasama din bilang hurado na hindi magiging burado comes Saturday ay sina Direk Cathy Molina-Garcia, Ms Liz Uy at Joel Cruz of Aficionado.

Sa parte ni Doc Calayan, happy and proud siya sa kanyang dalawang Calayan celebrity endorsers na sina Kuya Germs at Billy dahil sa ipinakita nilang production number na sobra nitong kinaaliwan.

Maliban kay Billy, nagpamalas din si Karylle ng kahusayan sa pag-drum at seksing-seksi sa kasuotan. So sexy na tiyak magtilam-tilam si Dingdong Dantes kapag napanood nito ng dating ka-flame.

Sa greeting portion naman, pasimple lang si Doc Calayan sa pagbati sa kanyang betterhalf na si Dra. Pie na nanonood ng mga sandaling sa kanilang branch sa California, ang Calayan Esthetics Hollywood.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply