Hurting si Willie sa biglaang pag-aasawa ni Shalani

HURTING ba si Willie Revillame ngayong napababalitang plano nang pakasal ni Shalani Soledad sa boyfriend nitong si CongressmaN Roman Romulo?

Last Saturday kasi, parang inalaska nito ang kanyang co-host na Konsehala ng Valenzuela sa umpisa ng show nilang “Will Time Big Time.”

Pangiti-ngiti lang si Shalani. Wari’y hindi nga alam kung paano siya magri-react. Nakabibingi naman ang sigawan ng audience sa loob ng studio doon sa TV5.

“Hindi na kayo mga teenager!” ani Willie kay Shalani. “Pakakasalan na agad kita kung ako. Kung ako… ha? Halika na, hahawakan ko ang kamay mo at after ng show natin…eight o’clock o eight thirty, yayayain na kita.

“Naka-ready na ang pari, naka-ready na ang singsing, at naka-ready na rin ang pamilya ko.”

“Ano? Bakit hindi ka makapagsalita? Magsalita ka. Porke mag-aasawa ka na, ginaganyan mo na ako,” pabirong sumbat pa ng TV host sa dalaga habang patuloy na nagsisigawan naman ang audience.

“Binabale-wala mo na kami rito. Wow… Shalani! Tandaan mo, no’ng nagdurugo ang puso mo, sino ang sumalo sa ‘yo? Sino ang tumahi ng sugat sa puso mo? Sino ang naggamot niyan? Sino?

“Ako… di  ba? Alam mo kung bakit? Iyan ang trabaho ko… gumagamot ng sugat ng puso.

“Pero kapag gumaling na. Lumalayo ako. Dahil hindi ako karapat-dapat sa puso mo.

Ngumingiti-ngiti pa rin lang si Shalani hanggang sa mag-commercial gap na sila.

Pag-exit niya pabalik sa kanyang dressing room, nagkaroon kami ng chance para tanungin siya kung ano ba ang kanyang pakiramdam habang inaalaska nga ni Willie.

“Ah… eversince naman, masaya lang talaga ang atmosphere dito sa show. At saka si Willie palabiro namang talaga ‘yan. Masayang kasama.”

Marami ang nag-akala rin na baka magiging sila lalo’t madalas ay pabirong nagpapalipad-hangin ang TV host sa kanya. Tingin ba niya, nahi-hurt si Willie na sa iba siya napunta?

“Naku!” natawa si Shalani. “Si Willie, very ano… ‘yan, he’s a very joyous person. So makikita mo naman sa kanya kung masaya siya. And I think… kasi masaya lang talaga rito sa set ng show, e.”

Pero nagamot talaga ni Willie ang sugatang puso niya nu’ng panahon ngang kabi-break lang nila ni President Noynoy Aquino?

“Ah… sabi ko nga, the show has given me so much. Nu’ng pumasok ako sa programa, hindi lang nila ako binigyan ng trabaho. Hindi lang nila ako binigyan ng bagong bahay. Ibinalik nila ‘yong bilib ko ulit sa sarili ko.

“Malaking factor po si Willie at lahat ng kasama natin dito sa show dahil mararamdaman mo naman talaga dito kung gaano ka nila winelcome. Kung gaano ka nila trinato bilang isa sa kanila.”

From President Noynoy Aquino to Congressman Romulo, mas gusto nga ba niya ang mga lalaking nasa pulitika rin gaya niya?

“Ah… ‘yong ganyang tanong, I”ve always answered na… sabi ko, uhm… as much as you want to set standards ano? Kapag nagmahal ka naman, hindi mo naman masasabi kung kailan at kung sino. Mararamdaman mo na lang ‘yon.

“As much as you would want sana to set standards, you really cannot tell. Mararamdaman mo na lang ‘yon.”

For the record, gaano na sila katagal since naging mag-on sila ni Congressman Romulo?

“Ah… naku! Huwag n’yo nang itanong ‘yan,” masuyo niyang pakiusap.

Pareho naman nilang sinasabi ni Congressman Romulo na nagpaplano na silang pakasal. ‘Yun nga lang, wala pang date kung kailan, at saka kung saan.

Ano ang nakapagpapatagal para ma-finalize na nila ang details about their wedding?

“E… kasi maraming inaayos pa. From the smallest of details hanggang sa lahat. But it will be next year.”

Magiging bahagi ba si Willie sa wedding niya?

“Ah… as far as the entourage, hindi pa namin naku-complete ‘yong list. But of course we would love Willie to be a part of it.

“Siyempre special day iyon sa akin. At isa naman si Willie sa mga importanteng tao.”

May tendency ba siyang umalis bilang co-host ni Willie sa Will Time Big Time kapag nag-asawa na siya?

“Ay naku, super-mahal ko po itong show na ito. So hanggang sa gusto ako ng management at ng mga manonood, nandito pa rin ako.”

Okey lang ‘yon sa future husband niya?

“Ah, si Congressman Roman naman, he has always been very supportive of what I do both sa Will Time Big Time pati ‘yong sa pagiging konsehala ko.”

Maging open kaya for public ‘yong wedding nila, o mas gugustuhin niyang gawing private at very solemn ito?

“Naku, hindi pa po talaga namin nadi-discuss. Pati ‘yong number of guests, wala pa talaga.”

Invited naman si PNoy?

“Ah… kami (ni Congressman Romulo), we would love to see everyone na naging bahagi ng buhay namin siyempre.”

Ano ang nakita niyang katangian ni Congressman Romulo that she really liked most?

“Marami. Hindi ko na lang iisa-isahin,” nakangiting sabi na lang ng konsehala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply