Ibinasurang kaso ni Rep. Hataman sa Batasan bombing pinagtibay ng DOJ

PINAGTIBAY ng Department of Justice (DOJ) ang pagbasura sa reklamong multiple murder at multiple frustrated murder na isinampa laban kay dating Anak Mindanao Party-list Rep. Mujiv Hataman.

Ito ang kinumprima ni ni Pros. Gen. Claro Arellano batay sa resolusyon na kanyang nilagdaan ngayon.

May kinalaman ang reklamo sa naganap na Batasan bombing noong Nobyembre, 2007 kung saan kabilang sa mga namatay ay si Basilan Congressman Wahab Akbar.

Ayon kay Arellano, ibinasura nila ang inihaing petition for review ng mga kaanak ng ilan sa mga biktima dahil hindi naman nila nakitaan ng pagkakamali ang naunang resolusyon na ipinalabas ng DOJ.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply