IBP Road, Quirino Highway palalawakin

DAHIL sa matinding abala na bunsod ng mabigat na daloy ng mga sasakyan, planong palawakin o magsagawa ng road widening ang pamahalaang lokal sa IBP Road at Quirino Highway sa Quezon City.

Sa panayam kay Secretary to the Mayor at Novaliches Center Officer-in-Charge Tadeo Palma, nakatakdang magsagawa ng road widening project ang QC government at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga kalsada na madalas makaranas ng trapiko.

Palagi kasing naaantala ang mga motorista at mananakay sa nasabing lugar partikular na sa bahagi ng Quirino Highway at General Luis sa Novaliches at IBP Road sa Batasan Hills.

Ayon kay Palma, sinisimulan na ang pagpapalawak ng kalsada sa Quirino Highway at General Luis.

Nakikipag-uganayan na rin umano ang pamahalaang lokal sa mga may-ari ng mga establisimyento sa lugar na bakantehin na ang kanilang pwesto para mabigyang-daan ang naturang proyekto.

Base sa orihinal na plano, dadagdagan ng dalawang linya ang kalsada simula sa Mindanao Avenue hanggang sa Sauyo Road.

Bukod dito, plano rin umano ng lakol na pamahalaan ng QC na itayo ang Batasan General Hospital sa IBP road ayon na rin sa kahilingan ng ilang mga residente sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply