Ifugao, nasa state of calamity na rin

NADAGDAG sa listahan ng mga probinsiyang isinailalim sa state of calamity ang Ifugao.

Ito’y matapos masira ang Burnay bridge, isa sa pinakamahalagang lagusan patungong Nueva Viscaya dahil sa pananalasa ni Quiel sa hilagang Luzon.

Dahil rito, nahihirapan ang pamahalaan na abutan ng relief goods ang mga residente ng lalawigan.

Bumuo na rin ang lokal na pamahalaan ng pansamantalang tulay para tuluyan ng madaanan ang Ifugao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply