Ifugao rice terraces mabubura sa mapa

KAPAG hindi kumilos ang lahat ng sektor upang makaipon ng P123 milyong halaga ng rehabilitation plan, malapit nang mabura sa mapa ng Pilipinas ang tanyag na Ifugao Rice Terraces dahil malapit na itong mawasak, babala ng dalawang mambabatas.

Sa pahayag na ipinalabas ngayong araw, nanawagan si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa lahat na tumulong upang maipaayos ang mahigit 102,663 cubic meter ng terrace areas na sinira ng kalamidad sa nakaraang dekada, pinakahuli ang bagyong “Pedring” at “Quiel.”

Nasasakop ang nasirang palayan ng 13 barangay kung saan lubhang naapektuhan ang 2,000 magsasaka at tinatayang aabot sa halagang P122.65 milyon ang kakailanganin sa rehabilitasyon, ayon sa ulat na inihanda ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat.

Sa apat na munisipalidad na lubhang naapektuhan ng pagkasira ng rice terraces, pinakamalaki sa Banaue na tinatayang aabot sa P35 milyon. Matatagpuan ang iba pang nasirang rice terraces sa Mayoyao, Hungduan at Kiangan.

Itinala sa listahan ng UNESCO World Heritage Sitea noong 1995 ang limang terraces clusters —ang Nagacadan terrace cluster sa Kiangan, ang  Hungduan terrace cluster, ang Central Mayoyao terrace cluster, at ang  Bangaan at Batad terrace clusters sa Banaue — bilang “Outstanding Universal Value.”

Ngunit, sanhi ng patuloy na pagkasira, itinala din ang rice terrace sa World Heritage List in Danger noong Disyembre 2001.

“The rice terraces are a global icon that represents the greatness of the Filipino IP (indigenous peoples),” ayon kay Baguilat. “It is a testament to our resiliency, deep respect for nature, and industry. It was built by bare hands using crude tools and community labor.”

“The rice terraces are a source of food, a prime tourist destination as an engineering structure, and they lessen the erosion that minimizes the siltation of our hydro-electric dams like Magat Dam. For these reasons alone, saving the Ifugao rice terraces should be a national concern,” dagdag ni Baguilat.

“For 2,000 years, the Ifugao rice terraces have helped to shape the culture, identity, and livelihood not only of our brothers and sisters in the Cordilleras, but also of the Filipino people. They have become symbols of our ingenuity and vision, our rootedness in nature, and the value of community, among others. We cannot allow the rice terraces, as well as these values, to be eroded over time. These help define our being Filipino,” ayon kay Pangilinan.

Nagkasundo naman sina Pangilinan at Baguit upang makakuhang mas malawak na suporta para sa proteksiyon ng rice terraces. Inilunsad din ng dalawang mambabatas ang multi-sectoral fund-raising campaign upang simulan ang major repair ng rice terraces. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply