Ifugao Rice Terraces posibleng maglaho

POSIBLENG maglaho na ang ipinagmamalaking Ifugao Rice Terraces na kinikilala bilang World Heritage Site ng United Nations Educational, Scientific, Cultural Organizations (UNESCO) dahil sa serye ng malalakas na bagyo.

Bunsod nito, nanawagan si Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat sa pamahalaan at sa international donor community na maglaan ng pondo para sa pagsasaayos ng nasirang bahagi ng Ifugao Rice Terraces.

Ayon sa kongresista, malaking bahagi ng rice terraces sa Banaue ang nag-collapse sa kasagsagan ng bagyong “Pedring” at “Quiel” na tumama sa Hilagang Luzon kung kaya’t kinakailangan ang malaking pondo para maibalik ang orihinal na kagandahan nito.

Base umano sa pinakahuling ulat, pinakamalaking sira ang natamo ng pangunahing terrace districts ng magkasunod na bagyo kung saan higit na naapektuhan ang Banaue gayundin ang mga lugar ng Mayoyao, Hungduan at Kiangan.

Ito umano ang dahilan kung kaya’t idineklara ang state of calamity sa nasabing lalawigan gayundin ang pagkakasira ng iba pang imprastraktura.

Idinagdag pa ng kongresista na kailangan ang agarang pagsasaayos sa rice terraces dahilan sa nagsisilbi rin itong giant water purifier at tumutulong laban sa paggguho ng lupa. Meliza Maluntag

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply