Ika-7 bilyon na bata isinilang sa Pilipinas

IPINAHAYAG ng Department of Health ang pagsilang sa Maynila kahapon ng hatinggabi ng sanggol na isa sa itinuturing na ‘world’s seven billionth babies.’

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, si Danica May Camacho ay ipinanganak bago maghatinggabi ng Linggo sa Jose Fabella Memorial Hospital.

Nabatid na si Danica May, na tumitimbang ng 2.5 kilos o 25.5 pounds, ang ikalawang anak ng mag-asawang Camille at Florante.

Bukod sa mga miyembro ng media, una ring dumalaw kay Danica May ang matataas na opisyal ng United Nations sa Pilipinas at ng DOH, na nagbigay pa ng regalong maliit na cake at si Lorrize Mae Guevarra, 12, na idineklara namang world’s symbolic six billionth baby noong 1999.

Inulan na rin naman kaagad ng suwerte si Danica May dahil niregaluhan din siya ng scholarship grant mula sa local benefactors para sa kanyang edukasyon at livelihood package upang makapagsimula ng negosyo ang kanyang mga magulang.

Si Danica May ay isa lamang sa ilang bata sa buong mundo kung saan idineklara ang ‘symbolic seven billionth human.’

Ayon kay Ona, ang pagdating ni Danica May ay pagkakataon rin para sa Pilipinas na i-assess ang mga kinakaharap nitong ‘population related issues.’

Una nang idineklara ng UN Population Fund  State of the World Population Report ang Pilipinas na pang-12 sa mga bansang may pinakamaraming populasyon, na umaabot na sa 94.9 milyon.

Patuloy namang nangunguna ang China bilang most populous country (1.35 bilyon) kasunod ang India (1.24 bilyon).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply