Ika-7 bilyong tao isinilang

MAGKAKASAMANG inantabayanan ng mga staff ng Fabella General Hospital sa Maynila at ilang opisyal ng Department of Health (DOH) ang pagsilang sa ika-7 bilyong tao sa mundo.

Saktong alas-12:00 ng madaling araw ng isilang ni Camille Camacho si baby Danica Mae.

Ang paghahanap ng ika-7 bilyong tao sa mundo ay kasunod ng pahayag ng UN Secretary General Banki-Moon na ito ay hindi katawa-tawa.

Dahil dito, nagtiyagang maghintay ang mga staff ng spital at DOH para pumili ng “symbolic baby.”

Hindi lamang ang Pilipinas kundi maging ang maraming bansa sa iba’t ibang dako ng mundo ay nagsagawa ng kahalintulad na aktibidad upang pumili ng kanilang “symbolic baby.”

Ito ay bahagi ng hakbangin upang bigyang diin ang patuloy na paglobo ng popolasyon sa buong mundo.

Ang Pilipinas ang ika-12 sa may pinakamaraming populasyon sa mundo na umabot na sa 94 milyon.

Si Danica Mae na isinilang sa timbang na 5.5 pounds ay pagkakalooban ng scholarship kaya naman hindi maipinta ang kaligayahan ng kanyang amang si Florante.

Sa kasalukuang sitwasyon, mas maraming problema at hamon ang maaring kakaharapin ng “7 billionth baby” lalo na kung nabuhay sa isang mahirap na sitwasyon.

Ayon pa sa lider ng United Nations, ang mensahe ngayong Lunes ay para kumilos ang buong mundo na hanapan ng sulusyon ang kahirapan dahil sa patuloy na paglobo ng popolasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply