Ika-5 bata na nalunod sa Iloilo natagpuan na

NATAGPUANG bangkay ang isa pa sa limang elementary pupils na nawala noong Lunes makaraang malunod sa overflow sa Sitio Nagpana, Brgy. Lipata, Barotac Viejo, Iloilo.

Ayon kay Barotac Viejo Mayor Niel Tupas III, natagpuan ang bangkay ni Lyka Inocendo, 8, sa Brgy. Bugnay sa nasabing bayan ng magkakapatid na Michael Martinez, Mark Martinez at Mariel Martinez at schoolmate ng mga ito na si Nilo Ganancial noong nakaraang mga araw.

Nabatid na sasagutin ng municipal government ng Barotac Viejo ang gastos sa pagpapalibing sa mga ito habang naglaan naman tig-P10,000 ang Office of Civil Defense (OCD) sa pamilya ng mga biktima.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply