Ilang bahagi ng Cebu, binaha

Binaha ang ilang bahagi ng Cebu dahil sa walang tigil na buhos ng ulan kagabi. Oktubre 7.

Nabatid na nagsimulang bumuhos ang napakalakas na ulan bandang alas 6:00 kagabi kung saan maraming kalsada sa lalawigan ang nalubog sa baha na umabot hanggang baywang.

Ilang sasakyan din ang iniulat na tumirik dahil sa baha.

Dahil dito, inalerto na ng Cebu City Disaster Coordinating Council (CCDCC) ang mga residente upang maging mapagbantay sa mga apektadong lugar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply