Ilang lugar sa Maynila apektado ng ipapatupad na re-routing

SIMULA ngayong araw ay ipapatupad ang re-routing sa Metro Manila para sa mga motorista.

Ang re-routing ay tatagal hanggang Huwebes upang bigyan-daan ang pagbisita sa Pilipinas ni Vietnamese President Truong Tan Sang.

Kasabay nito, humingi ng pang-unawa ang palasyo sa publiko dahil sa trapikong idudulot kaugnay sa isasagawang re-routing.

Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Osmeña Highway, Quirino Avenue, Roxas Blvd., Padre Burgos, Finance Road, Ayala Blvd. at General Solano street.

Bukas (Oktubre 27) ay apektado rin ng matinding trapiko ang kahabaan ng Roxas Blvd., Quirino Ave., Osmeña Highway gayundin ang Skyway Route.

Ito ang kauna-una­hang state visit ni Vietnam President Sang sa Pilipinas kaugnay na rin ng ika-35 taong anibersaryo ng bilateral relations ng Pilipinas at Vietnam.

Apat ang inaasahang bilateral agreement na pipirmahan sa pagbisita ni Sang sa bansa.

Kabilang dito ang action plan on cooperation ng Pilipinas at Vietnam, tourism plan, memorandum of understanding sa pagitan ng hukbong dagat ng dalawang bansa at ang paglalatag ng komunikasyon sa pagitan ng Philippine Coastguard at Vietnamese Marine Police.

Matatandaang sinabi noon ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na babanggitin niya ang isyu sa pinag-aagawang Spratly Islands sa kanilang pulong ni Sang. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply