Imbestigasyon ng Senado sa poll fraud binatikos

BINATIKOS ni Senate President Juan Ponce Enrile ang itinuloy na imbestigasyon ng mga kasamahang senador ukol sa umano’y dayaan sa eleksyon noong 2004 at 2007.

Ani Enrile, dapat ipaubaya na lamang ang isyu sa executive department partikular na sa Department of Justice (DOJ) na siyang nag-iimbestiga at magsasampa na ng kaso laban sa mga natukoy na sumbotahe sa eleksyon.

Gayundin, hindi tanggap ni Enrile ang katwiran ng ilang senador na – in aid of legislation ang isinasagawang imbestigasyon dahil wala siyang nakikitang pangangailangan na amiyendahan pa ang umiiral ng election laws.

Matatandaan, nitong nakaraang Martes (Oktubre 18), binuksan ang Senate hearing ukol sa dayaan sa pangunguna nina Senator Teofisto Guingona, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee at Senator Koko Pimentel, chairman ng electoral reforms committee.

Ilan sa mga humarap sa Senate hearing ay testigo na ng DOJ katulad ni Maguindanao election supervisor Lintang Bedol.

Ipagpapatuloy ang nasabing pagdinig sa darating na Miyerkules (Oktubre 26) kung saan planong iparinig ang kontrobersyal na “Hello, Garci” tape.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply