Imbestigasyon sa 2004, 2007 poll fraud sisimulan bukas

SISIMULAN na bukas ng umaga (Martes, Oktubre 18) ng Senado ang imbestigasyon sa umano ay malawakang dayaan noong 2004 presidential elections at 2007 senatorial elections.

Pangungunahan ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senador Teofisto Guingona at Senate committee on electoral reform na pinamumunuan naman ni Senador Koko Pimentel ang imbestigasyon.

Ayon sa mga senador, bubusisiin nilang mabuti ang sinasabing pandaraya na nagluklok kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004 at ang umano’y pakinabang ng ilang kaalyado nito, kabilang na si dating Senador Juan Miguel Zubiri kontra sa mga kandidato ng oposisyon noong 2007 senatorial elections.

Inimbitahan ng Senado na dumalo sa imbestigasyon ay sina Atty. Renault Macarambon, ang head ng Election and Barangay Affairs Division ng Commission on Elections (Comelec); Atty. Rey Sumalipao na siyang regional director sa Autonomous Region in Muslim Mindaao (ARMM); Col. Alexander Balutan; at si dating Shariah Circuit Court Judge Atty. Nagamura Moner.

Maging sina dating airport manager Alfonso Cusi at dating Justice Secretary Agnes Devanadera ay ipinatatawag din matapos pangalanang sangkot din sa anomalya.

Kabilang din sa listahan sina Lintang Bedol; Norie Unas; dating T/Sgt. Vidal Doble at maraming iba pa na sinasabing may nalalaman sa 2004 at 2007 election fraud.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply