Imbestigasyon sa 2004 poll fraud umuusad na sa Senado

UMUUSAD na ngayon ang imbestigasyon ng Senado kaugnay ng umano’y dayaan noong 2004 presidential elections.

Nais ng joint investigation ng Senate Blue Ribbon Committee at ng Senate committee on electoral reform, na malaman ang paraang ginamit sa umano’y dayaan sa halalan, kung sino ang may pananagutan sa nangyari at kung ano ang mga karagdagang batas na kailangang ipasa.

Dumadalo sa pagdinig sina Atty. Nagamura Moner, ang dating Shari’a Circuit Court Judge ng Lanao del Sur at Iligan City na isa sa mga
naging pasahero ng kontrobersyal na Philippine National Police (PNP) chopper.

Kasama rin sina Atty. Rey Sumalipao, dating regional director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Alfonso Cusi, Judge Casan Ali Limbona, dating technical sergeant Vidal Doble at ang secretary general ng National Movement for free elections (NAMFREL).

Ibinunyag ni Moner na kinausap niya si Judge Limbona para kontakin si Lintang Bedol, ang dating Maguindanao Election Supervisor para ayusin umano ang resulta ng halalan sa Sultan Kudarat pabor sa kandidatong si Gloria Macapagal-Arroyo.

Kinumpirma naman ito ni Limbona at nagkausap umano sila ni Bedol at nagkasundo sa halagang P5 kada lead vote para kay dating Pangulong Arroyo.

Lumitaw sa resulta ng eleksyon sa Sultan Kudarat na lamang si Arroyo ng 80, 000 boto kay Fernando Poe, Jr.

Ibinulgar din ni Moner na si Professor Maulawi Calimba ang kanyang kinontak noong Mayo, 2004 para ayusin ang mga election official ng Lanao Sur.

Ayon naman kay Calimba, 17 opisyal at staff ng Commission on Elections (Comelec) ang kanyang nakausap noon para sa boto kay GMA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply