Impeachment case vs PNoy pinagtawanan

PINAGTAWANAN ni Senate President Juan Ponce Enrile ang umanoy impeachment case na iniharap ni Atty. Oliver Lozano laban kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Ani Enrile, kalokohan ang hakbang ni Lozano laban sa Pangulo na ang basehan ay betrayal of public trust dahil daw sa pagtanggi sa state burial kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Ayon kay Enrile, walang mabigat na grounds si Lozano para kasuhan ng impeachment ang Pangulo.

Iginiit pa ni Enrile na hindi maituturing na impeachable offense ang desisyon ni Aquino hinggil sa hero’s burial ni Marcos. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply