Impeachment vs PNoy ‘dead on arrival’ sa Kamara

IMPOSIBLENG umusad sa Kamara de Representantes ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Si Atty. Oliver Lozano ay naghain ng impeachment laban kay PNoy dahil sa “betrayal of public trust” makaraang bawiin ang naunang desisyon na maaaring gawaran ng full military honor si dating Pangulong Ferdinand Marcos subalit hindi ito maililibing sa Libingan ng mga Bayani kungdi sa Batac, Ilocos Norte lamang.

Si Lozano ay kilalang Marcos loyalist na ilang ulit na ring tumakbo sa iba’t ibang posisyon sa ilalim ng partido ng dating pangulo na Kilusang Bagong Lipunan (KBL).

Ngunit ngayon pa lamang ay duda na ang mga kongresista na uusad ang impeachment dahil mistulang “dead on arrival” na ito ayon kina House Justice Committee Chairman Niel Tupas Jr. at Eastern Samar Rep. Ben Evardone, pawang mga kaalyado ng administrasyon.

Giit ni Evardone na duda siya na kahit ang mga miyermbro ng oposisyon ay hindi susuportahan ang reklamo ni Lozano katunayan aniya hanggang ngayon ay walang mambabatas ang nagpahayag para iindorso ito.

Minaliit naman ni CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna ang impeachment dahil ito aniya ay isang katatawanan.

Aniya, batid naman ng lahat ang background ni Atty. Lozano at hindi na umano sorpresa ang paghahain nito ng kahalintulad ng kaso na “walang basehan.”

Sa panig naman ni Gabriela Rep. Luz Ilagan ay sinabi niyang hindi maikukunsiderang “impeachable offense” ang pasya ng Pangulo na huwag gawaran ng state honor si Marcos.

Ani Ilagan, tama lang ang desisyon ni Pangulong Aquino na hindi maihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang isang aniya’y diktador at utak sa paglabag sa karapatang pantao at pagkawala, torture at pagkamatay ng daan-daang tao noong panahon ng Martial Law.

Duda naman si Evardone, na susuportahan ang impeachment case ni Lozano laban kay Pangulong Aquino, kahit pa ang mga taga-oposisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply