Implementasyon ng Dual Citizenship Act palpak

DISMAYADO si Senador Franklin Drilon sa palpak na implementasyon ng Dual Citizenship Act na umabot lamang sa 87,000 ang nag-aplay na Pinoy na nagbalikbayan sa bansa.

Ito ang nakita ni Drilon sa isinagawang pagdinig kanina sa 2012 proposed budget ng Department of Foreign Affairs na hindi naging maganda ang resulta ng pagpapatupad nito.

Si Drilon na may akda ng naturang batas ay naniniwala na malaking bagay sa mga balikbayang Pinoy na makabalik ng bansa sa pamamagitan ng dual citizenship.

Dahil dito, inatasan ni Drilon  si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na dagdagan pa ang kanilang information drive sa ibayong dagat para malapalaganap ang Dual Citizenship Act.

Nakikita rin ni Drilon ang problema sa mga naghahangad ng dual citizenship kung saan ay pinahihirapan ang mga ito sa requirements na hinihingian pa ng birth certificate sa kabila na mayroon naman hawak na expired na Philippine Passport noon bago naging citizens ng ibang bansa.

Aniya, hindi na dapat pahirapan pa ang mga dating Pinoy na nais na magkaroon ng dual citizenship  dahil sapat na umano ang dating pasaporte nito na magpapatunay na ito ay isang dating Filipino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply