Imported na bigas nakumpiska ng BOC sa CDO

UMAABOT ng 36,000 kaban ng imported na bigas ang nasamsam ng mga kawani ng Bureau of Customs District 10 sa pier ng Barangay Macabalan sa siyudad ng Cagayan de Oro.

Lulan ang mga naturang imported na bigas sa MV Jess na dumaong sa pantalan ng Macabalan.

Kinumpisma ng BOC ang mga bigas dahil sa kawalan ng kaukulang dokumento sa pag-import nito, ayon kay Capt. Isidro Estera.

Patuloy nang inaalam kung sino ang nagmamay-ari sa mga bigas dahil ang barkong pinagkargahan nito ay nawawala na sa nasabing daungan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply