Inaway ng GF, 14-anyos binatilyo nagbigti

DAHIL sa lovers quarrel kaya nagawang magpakamatay ng 14-anyos na binatilyo sa Pangasinan sa ulat ng pulisya ngayong araw.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, nakitang nakabitin sa harap ng kanilang bahay ang biktimang si Ariel Cerezo, ng Barangay Pindangan West, bayan ng Alcala, Pangasinan.

Nabatid sa inisyal na pagsisiyasat ng Alcala PNP na nakita ng tiyuhin ang biktima sa kubo sa harap ng bahay nila na nakabitin at wala nang buhay.

Gamit ang isang mahabang lubid ay isinabit ng binatilyo ang kanyang leeg dahilan upang lumawit ang dila nito at kapusin ng hininga hanggang sa mamatay.

Una rito, nabanggit ng biktima na mayroon silang hindi pagkakaintindihan ng kanyang kasintahan bago nangyari ang insidente na hinihinalang dahilan ng kanyang pagpapatiwakal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply