Inflation rate tumaas nitong Setyembre

TUMAAS ng .1 percent ang inflation rate ng bansa nitong buwan ng Setyembre resulta ng singil sa pangunahing pangangailangan sa bansa.

Lumalabas sa pagtataya ng National Statistics Office (NSO) na mula sa 4.7 percent inflation rate noong Agosto, umakyat ito sa 4.8 percent dahil sa pagtaas ng singil sa tubig, kuryente at presyo ng langis.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), bagama’t tumaas pa ang inflation rate ay nakapaloob pa rin ito sa kanilang target na 3 hanggang 5 percent inflation rate.

Una na ring ibinaba ng BSP ang inflation forecast para ngayong taon sa 4.46 percent mula sa 2.7 percent at sa susunod na taon na nasa 3.4 percent na lamang mula sa 3.74 percent.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply