Informal settlers na naninirahan sa waterways wawalisin

INIHAHANDA na ng National Housing Authority ang mga programa para sa libu-libong informal settlers na naninirahan sa mga gilid ng ilog at sapa.

Ito ay matapos umapela kay Atty. Chito Cruz, manager ng NHA, ang National Disaster Risk Reduction Management Council sa pakikipagpulong nila sa mga kinatawan ng PAGASA at iba pang ahensya ng gobyerno, ukol sa pagpapaalis sa informal settlers na nakatira sa waterways.

Nabatid na nagiging sanhi ng pagbabaw ng ilog at pagbabara ng mga duluyan ng tubig ang walang pakundangang pagtatapon ng basura ng mga informal settler.

Ayon kay Cruz, sa kanilang talaan, ay nasa 150,000 ang pamilyang naninirahan sa waterways, na karamihan rito ay mula sa Metro Manila.

Target ng NHA na mailikas nila ang may 20,000 pamilyang naninirahan sa mapanganib na lugar kada taon.

Dagdag pa ni Cruz, nagiging malaking problema ang mga naninirahan sa waterwaya tuwing may bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply