Inside job sa Cavite mall robbery sinisilip

INSIDE JOB ang suspetsa ng Cavite Philippine National Police (PNP) sa naganap na Cavite mall robbery noong nakaraang Sabado, Oktubre 29.

“That is one of our efforts, to determine whether the incident was an inside-job scenario or not,” pahayag kaninang umaga ni Cavite PNP provincial director Senior Supt. John Bulalacao.

Sinabi ni Bulalacao na ang isa sa hindi tinamaan ay sangkot na sa ilang beses sa mga nakaraang robbery.

“Yung isa sa survivors, isa sa mga kasama na biktima na hindi wounded,” pahayag ni  Bulalacao. “Employee siya ng JMY Money Changer, involved siya sa ganitong insidente several times.”

“Whenever may incidents like this na kasama s’ya, hindi s’ya wounded. Every time kasama s’ya, meron s’yang ganitong pagkakataon na may robbery,” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyang, pinipiga na nila ang sinasabing empleyado pero hindi pa nila masampahan ng kaukulang  kaso dahil wala pa silang makuhang ebidensiya para magdiin dito.

“We requested the owner of the money changer to take charge of him first, s’ya muna ang magko-custody,” pahayag pa ni Bulalacao. “Ang sabi sa amin ng may-ari ng money changer, brother-in-law n’ya iyon, so hindi s’ya makakatakas.”

Apat na armadong kalalakihan ang nakapuslit sa security ng Robinsons Place mall sa Dasmariñas at hinoldap ang JMY Money Changer, at nakatangay ng P5-milyon at nag-iwan ng 3 patay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply