Investigation report ng AFP sa Al Barka encounter isinumite na

PORMAL nang isinumite ng Armed Forces of the Philippine kay Pangulong President Benigno Simeon Aquino III ang resulta ng kanilang isinagawang fact finding probe kaugnay ng nangyaring sagupaan sa pagitan ng Army Special Forces at puwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Al-Barka, Basilan na ikinamatay ng 19 sundalo.

Ito ay kasunod ng pagpapalabas ng MILF ng kanilang version sa isinagawang fact finding inquiry kung saan ay itinuturo ang sisi sa militar kasabay ng akusasyon na pagsalakay sa kanilang area of temporary stay kung saan ay dalawang araw bago pa maganap ang bantang pagsalakay ay namo-monitor na umano ng mga rebelde ang kilos ng militar.

Ipinag-utos ni Pangulong Aquino ang pagsagawa ng imbestigasyon hinggil sa nangyari encounter kasunod na rin ng mga kontrobersiya ukol sa kakulangan umano ng gamit ng mga sundalo, kawalan ng koordinasyon sa liderato ng militar at kabiguang makipag-ugnayan sa panig ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay Armed Force Spokesman Col. Arnulfo Burgos, isinumite ni AFP Inspector General Maj. Gen. Irineo Espino kay AFP chief of staff Gen. Eduardo Oban ang findings, habang ang AFP chief naman ang magpaparating nito kay Pangulong Aquino.

TumangGing ihayag ni Burgos ang nilalaman ng imbestigasyon at kung ano ang posibleng kahantungan ng mga taong mapaTUtunayang nagkaroon ng kapabayaan.

Magugunitang sinisi ang militar sa naganap na sagupaan sa Basilan sa pagkamatay ng 19 na sundalo dahil sa umano’y kapalpakan nito nang pasukin ang kuta ng MILF sa kabila ng umiiral na cease fire agreement kasabay ng paglutang ng mga isyu na ISANG test mission umano ito at target ng mga sumalakay na sundalo ang isang high value target na may reward.

Sa panig naman ni AFP Special Operations Task Force commander Col. Alexander Macario, nakahanda umano siyang humarap sa kahit anong imbestigasyon kahit pa sa  Court Marshall proceedings para maisalaysay niya nang buo ang nalalaman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply