IRA ng LGUs ipinatataas sa 50% ni Koko

INIHAIN ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III ang Senate Bill No. 2987 na naglalayong itaas mula sa dating 40% tungo sa 50% ang ibinibigay na Internal Revenue Allotment (IRA) sa local government units (LGUs) upang mapatingkad ang paghahatid ng pangunahing serbisyo sa lokal na mamamayan.

“Increasing the share of local governments is consistent with the promotion and enhancement of local fiscal autonomy,” ayon kay Pimentel.

Nagpahayag ng pagtitiwala si Pimentel na sakaling maisabatas ang panukala, magkakaroon ng dinamikong pamahalaang lokal sa pagpapaunlad ng lokal na komunidad.

Sa ilalim ng panukala ni Pimentel, mapapasigla at mapapalawak ang pinagkukunan ng buwis na siyang ibinabahagi bilang IRA sa LGUs.

“The purpose of his proposal is to broaden the share of local by including as the basis thereof not only the government’s Bureau of Internal Revenue collections but also those of the Bureau of Customs as tariffs and the dues, fees and other forms of income collected by the Ports Authority, Department of Environment and Natural Resources, and other government agencies,” aniya.

Aniya, kung bibigyan ng mas malaking pondo ang local government units, tiyak na sisigla ang kaunlarang pangekonomiya na mabebenipisyuhan ang ating mamamayan.

Idinagdag pa ni Pimentel na dapat mahigpit na ipatupad ang audit procedures ng Commission on Audit (COA) upang mapantili ang mahigpit na accountability at transparency sa anumang transaksiyon sa lokal na pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply