Isa patay, 1 sugatan sa masamang titig

PATAY ang isa katao habang sugatan naman ang kasamahan nito makaraan silang pagbabarilin ng apat na lalaki sa parking area ng isang beer garden sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Namatay habang ginagamot sa Novaliches District General Hospital si Angelo Camacho, ng Block 8, Lot 3, Kaymito St., Novaliches, QC sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo at kanang braso, habang sugatan naman ang kasama nito na si Reggie Bolquerin, 26, ng 30 Isadora St., Brgy. Holy Spirit, bunga naman ng tinamong ligaw na bala sa kanang palad.

Ayon kay PO3 Renato Anin ng Quezon City Police District Novaliches Police Station 4, naganap ang insidente dakong 2:45 ng madaling-araw kanina sa parking area ng Ernestos Garden sa Buenamar, Novaliches.

Nag-iinuman ang magkabilang grupo ng biktima at suspek sa naturang beer garden nang bigla umanong nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkabilang panig dahil lamang sa masamang titig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply