Isabel Daza binansagang ‘The Reader’ dahil super bakilera! (Hahahahahahaha!)

MUKHANG mula sa kanyang medyo-humupa nang pagkaimbiyerna kay Lito Camo, Lolit Solis (yes, talk about another irrepressible manager!) will unleash her wrath on a fellow manager, and just who’s the unlucky one?

Walang iba kundi si Leo Dominguez. Sa mga hindi po nakakakilala kay Leo, he’s the managerial steward behind the careers of Ogie Alcasid, Lovi Poe, Emilio Garcia, among others. Now, if his name rings a bell but you can hardly connect the face ay hindi na ‘yon mahalaga.

Ikunek n’yo na lang ang kuwentong ito sa tiyak na pagmumulan nila ng away ni ‘Nay Lolit sooner than later.

Isang staff ng game show sa GMA ang kumontak kay Leo for the guesting of his another alaga, si Isabelle Daza. SOP (Standard Operating Procedure) naman na tanungin ng manager kung ano ang mga detalye tungkol sa guesting tulad ng schedule, call time, wardrobe requirements, fellow guests and not to be ignored is, of course, the talent fee.

Umokey si Leo sa lahat ng mga detalyeng sinabi ng staff except when the latter mentioned Pauleen Luna’s name na kinontak din nito for guesting. Sey raw ni Leo:  “Ay, ayokong itabi n’yo si Isabelle kay Pauleen, magmumukha lang siyang (Isabelle) cheap!” or harsh words to that effect.

Hmmm, kunsabagay, may punto nga naman si Leo, but not on the aspect of Pauleen’s rubbing off her “cheapness” on Isabelle. Ang itabi si Isabelle kay Pauleen can be contagious, baka mahawa pa ang alaga ni ‘Nay Lolit sa kababakel ni Isabelle na binabasa na nga lang ang mga spiels, eh, hindi pa gawing maayos ang napakadali lang namang trabaho!

Aware kaya si Leo na may bansag ngayon kay Isabelle? At ‘yun ay “The Reader”…ayaw ni Kate Winslet ng ganyan!

XXX

DESPITE the resistance by her family, hindi napigilan ang live guesting ni Annabelle Rama sa Startalk TX last Saturday.

Tita A’s appearance had to do with Nadia Montenegro’s additional charges against the feisty manager, particularly the latter’s alleged forgery of her (Nadia’s) signatures affixed on the management contracts ng dalawang maliliit nitong mga anak.

Inside the dressing room, bago sumalang sa interview nina Joey de Leon at Lolit Solis ay ipinakita sa amin ni Tita A ang photocopies ng mga naturang dokumento, fishing for our opinion if we sincerely believed that such signatures in question were forged.

Kung pag-aaralan ang strokes ng lagda ni Nadia, mukhang mahihirapan ang sinumang mamemeke nito as it bears overlapping circles. Ikinumpara namin ang aniya’y totoong pirma niya with those that Nadia alleged as having been doctored by Tita A, but there’s hardly any difference.

Dalawang dokumento ng kontrata ang ipinupuntos ni Nadia laban kay Tita A involving the former’s less than 10 year-old kids. Ani Bisaya (Tita A’s pet name), how could she have possibly forced the two kids to showbiz work gayong ang mga ganitong edad ng bata should enter regular school, hindi ang i-enrol lang sila sa isang home study program.

Sa puntong ito ibinuwelta ni Tita A ang ikinasong child abuse sa kanya ni Nadia who—in Annabelle’s words—is, in fact, forcing her children to work, thus depriving them their basic right to normal life.

Also known for her laban-kung-laban stance, Nadia finds herself in a war that she intends to win at all cost. Public knowledge naman na ganoon din kung paanong sumugod sa digmaan ang ‘di-pasusupil na manager.

What is unfortunate though in this legal battle between two adults, ang nakakaladkad sa isyu ay ang mga bata who are supposed to be spared from excessive public attention.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply