Isabela matinding hinagupit ni ‘Quiel’

ANG Isabela ang pinakamatinding hinagupit ng bagyong Quiel kung saan ito nag-landfall kaninang alas-9:00 ng umaga.

Hinambalos ng malakas na hangin ang bayan ng Alicia kaya nawasak ang maraming tindahan sa palengke at nilipad ang mga bubong ng mga bahay.

Itinumba rin ng hangin ng bagyo ang maraming puno sa bayan ng Jones at Echague na nakahambalang ngayon sa mga kalsada.

Hindi rin pinaligtas ng bagyong Quiel ang Pangal Norte Elementary School sa Barangay Pangal sa bayan ng Echague, na ngayon ay napinsala rin.

Hindi madaanan ang kalsada ng Cauayan City at Echague nang magbagsakan ang mga puno at poste ng kuryente.

Putol na rin ang suplay ng kuryente at linya ng telepono sa buong lalawigan at mahina rin ang signal ng mga telecommunication company.

May 228 pamilya na ang inilikas mula sa mga bayan ng Maconacon at Palanan habang 29 na iba pa mula sa Cauayan City dahil sa pagtaas ng antas ng tubig sa Cagayan River.

Samantala, ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang bagyong Quiel ay inaasahan na lalabas sa Philippine area of responsibility ngayong hapon patungo sa direksyon ng West Philippine Sea.

Gayunman, ayon sa ahensya, mananatili ang mga pag-ulan dahil sa hinahatak ito ng bagyo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply