Isyung kalabaw ng mag-ama ang isyu kay PNoy

KAILANGAN ni Boss PNoy na mag-isip nang todo at gumawa ng kaukulang aksyon kaugnay ng pagkakapatay ng 19 na sundalo sa Basilan at tatlo sa Zamboanga Sibugay.

Para maliwanag, lumiliyab pa lang ang kaso ng 19 sundalo na napatay sa labanan sa Basilan, sinundan agad ito ng pagkakapatay ng tatlo sa Zamboanga Sibugay.

May hibla kasi umano ng pantatraydor ng mga pangyayari.

Yung una ay naganap umano nang walang intensyon ang mga sundalo na makipaggiyera kundi mang-aresto lang ng isang kriminal.

Ang pangalawa’y ambus sa naglalakbay na mga sundalo.

Lamig ng ulo ang ipinakita ni PNoy rito.

May inihalo namang isyu na pang-asar dito… ang hindi kaagad pagpunta ni PNoy sa pinaglalagakan ng mga bangkay ng mga sundalo sa kanilang kampo sa Metro Manila.

May mga naiinis, may mga umooki sa reaksyon ni PNoy.

oOo

Ang nagaganap kay PNoy ay maitutulad sa isang mag-ama na gumamit ng kalabaw sa kanilang paglalakbay.

Sa kanilang pagdaan sa isang barangay at habang nakasakay ang anak sa kalabaw at naglalakad ang ama nito, binatikos ng mga taga-barangay ang anak sa hindi pagbibigay ng respeto sa kanyang ama.

Kaya naman, paglagpas sa barangay na iyon, nagpalit ng puwesto ang mag-ama.

Pero pagdating sa susunod na barangay, niyari rin sila roon at sinabing wala man lang awa ang ama sa kanyang anak.

Kaya napagpasiyahan na lang nilang mag-ama na huwag na lang sumakay sa kalabaw at naglakad na lang sila.

Pagdating nila sa ikatlong barangay, sinigawan naman silang “mga tanga” sa hindi pagsakay kay Damulag.

Ano nga ba ang nararapat na gawin ni PNoy?

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply