Italyanong pari binoga sa kombento, patay sa Cotabato

NASAWI ang isang Italyanong pari makaraang barilin ng isang suspek sa loob mismo ng kombento sa loob ng garahe umaga ng Lunes, Oktubre 17, sa Arakan, North Cotabato.

Base sa pahayag ng mga staff ng biktima, dead on arrival sa Arakan District Hospital si Father Fausto Tentorio, parish priest ng nasabing bayan matapos itong barilin bandang alas-8:45.

Nagtamo ng bala ng .45 pistola sa tagiliran at dibdib si Father Tentorio habang tinitignan ang kanyang sasakyan sa garahe nito sa loob ng kombento.

Agad namang tumakas ang nakahelmet na suspek sakay ng kanyang motorsiklo na nabigong makilala ng mga testigo.

Kasalukuyang nagsasagawa ng hot pursuit operations ang pulisya.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply