Ivler gustong ipagamot sa ospital ang sugat sa tiyan

HINILING ni road rage suspect Jason Ivler sa Quezon City Court na payagan siyang ipagamot ang kanyang inaalagaang sugat sa tiyan.

Sa walong pahinang pleading, umapela ang depensa sa Regional Trial Court (RTC) Branch 84 na agarang ipag-utos ang kanyang pagpapa-ospital upang magamot maigi ang kanyang sugat at ang kanyang colostomy.

Sinabi ni Ivler, nakaditine sa Metro Manila District Jail, na ang kanyang sugat na tinamo sa 2010 shootout sa awtoridad ay patuloy na nagdurugo sa loob ng isang buwan.

“The Bicutan Detention Facility and its medical staff are not properly equipped to attend to the medical needs of the accused,” saad sa isang urgent motion for confinement.

Ito na ang pangalawang urgent motion para sa medical confinement na hiniling ni Ivler sa naturang korte.

Hiling ni Ivler sa korte na payagan siyang sumailalim sa operasyon upang baligtarin ang kanyang colostomy para makadumi na siya sa normal na pamamaraan at hindi sa pamamagitan  ng isang bag lamang.

Ang colostomy ay resulta ng sugat na nakuha ni Ivler sa pagkasa sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bahay ng nanay nito sa White Plains Subdivision sa Quezon City noong Enero 2010.

Si Ivler ay kinasuhan ng murder sa pagpatay kay Renato Victor Ebarle, Jr., anak ng dating Palace official, sa Santolan Road, Quezon City noong Nobyembre 18, 2009.  Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply