Jake Vargas gustung-gusto nang ligawan si Bea Binene!

INAMIN sa amin ni Jake Vargas na gusto na niyang totohaning pormahan si Bea Binene dahil matagal na niyang kakilala ang teenager at matagal na rin niyang crush. Ang nakapipigil sa kanya ay ang edad ni Bea. Si Bea kasi ay 14 pa lang at sinabihan daw siya ng mommy nito na puwedeng makipagkaibigan sa anak pero hindi puwedeng ligawan dahil sobrang bata pa ito.

Para kay Jake, sobrang bait ng kanyang leading lady sa “Pahiram ng Isang Ina.” Bukod pa sa masunurin sa magulang magaling din si Bea at multi-talented pa, sa totoo lang.

Kahit kailan ay di lumalaylay sa ratings game ang Pahiram ng Isang Ina. Pero hindi na ito ma-extend dahil ayaw ng mga namamahala ng show na masira ang flow ng kwento. Gusto nila na 13 weeks lang ang programa kaya sa Nov. 11 na ang last episode ng soap.

Sa ngayon ay unti-unti nang naaalala ni Carmina Vilarroel ang mga nangyari sa kanya. Kaya naaalala na niya ang dalawang magkapatid na inampon niya noon pati si Jake ay naalala na rin niya na unang batang kanyang minahal.

000

Manny Pacquiao umalis patungong America para mag-training pero di kasama si Jinkee

UMALIS na patungong America si Cong. Manny Pacquiao last Saturday night (October 8) at 10-p.m. fligh para ipagpatuloy sa Los Angeles, California ang kanyng training para sa laban niya kay Juan Manuel Marquez ng Mexico. Hindi pa sumama ang maybahay niyang si Jinkee Pacquiao pero nasabi nito sa press na nagku-cover ng departure ni Manny na nakatakdang umalis siya ng Nov. 4.

Ipagpapatuloy ni Manny ang training sa Wild Card Gym ni coach Freddie Rouch kung saan may mahigit pang isang buwan ang itatakbo ng kanyang training. Ang laban niya kay Marquez ay nakatakda sa Nov. 13 sa Las Vegas, Nevada.

Bago umalis si Manny, nagkaroon pa siya ng live show ng “Manny Many Prizes” sa Center Stage ng SM Mall of Asia. Sinikap niyang mag-host sa kabila ng hectic working sched niya sa training para mapasaya lang ang kanyang libu-libong live audience at televiewers na umaasam na mananalo sa mga pa-rafle at games ni Ninong Manny nila. O, yes, Ninong na ang tawag kay Manny ngayon ng mga tagasubaybay niya dahil may ginintuang puso siyang mamigay ng pa-premyo at give aways na cash para sa mga nangangailangan na taong lumalapit sa kanya.

Pero huwag mag-atubili na kapag wala nang Manny sa Pilipinas, wala na ring MMP. Bagkus, nakagawa na ng isang buwang advance taping si Manny para continuous na mamimigay siya ng papremyo sa mga televiewer ng show at sa audience.

Pero sabi ng source sa production ng MMP, tuwing Saturday night ay may patch in call mula kay Manny sa America para i-update sa mga pangyayari sa kanya roon. Pati na rin sa actual na pagpili ng masuwerteng televiewers na matiyagang nagti-text para makasali sa raffle portion.

Balita sa amin sa set ng MMP, nag-invite si Manny sa lahat ng co-host niya sa programa ng libreng panoood ng Pacquiao-Marquez match. Libre lahat! Kaya asahan mong aalis na lang sa bansa sina Rhian Ramos, Benjie Paras, Pekto, Onyok Velasco, Gladys Guevarra. Paolo Contis at iba pa.

Inaasahang muling magla-live show si Manny ng MMP sa Nov. 19, kasi babalik siya ng bansa ng Nov. 18.

Ayon kay Manny, sa interview ng press  sa kanya hindi siguradong makapupunta ng America ang kanyang mga anak dahil nag-aaral lahat ito maliban sa bunsong si Queenie. Pati ang butihing ina niyang si Dionisia ay di siguradong makakasunod sa US.

000

NAKATUTUWA naman ang career ni Iza Calzado sa GMA-7. Laging may bagong ibinibigay sa kanyang trabaho. Tulad ngayon ay host na siya ng bagong entertainment-oriented program sa GMA News TV Channel 11 na mapapanood Monday to Friday, ang Showbiz Exclusives.

Dahil ba sa iba-ibang projects ni Iza sa Kapuso Network kaya namatay na ang balita na mangingibang network na siya?

Anyway, bale first full length hosting job ni Iza ang Showbiz Exclusives buhat nang mag-artista siya at contract artist ng GMA-7.

Ibang-ibang hosting job ito para kay Iza di tulad sa Eat Bulaga na co-host siya at portion lang ang kanyang nilalabasan.

Excited si Iza sa bagong trabaho niya dahil talagang magbabalita siya ng bagong pangyayari sa entertainment field tuwing 7 p.m., simula ngayon araw sa Channel 11.

Hatid ng Showbiz Exclusives ang balanseng pagbabalita tungkol sa maiinit na impormasyon sa entertainment industry at ang mga makukulay na kwento ng mga artista, programa at exclusive access sa mga hottest showbiz events. Sa Showbiz Exclusives lang magsasama ang mga local at Hollywood stars sa iisang spotlight!

Makakasama ni Iza sa programang ito ang mga senior correspondents sa showbiz na sina Nelson Canlas at Aubrey Carampel para magbigay ng mga showbiz news, in-depth interviews pati na pagsunod sa activities ng mga artista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply