Jake Vargas inialay ang award sa kanyang inang may sakit

JAKE Vargas, very touching na inialay ang kanyang first award sa katatapos na Star Awards for Music sa kanyang inang may colon cancer. Ang alaga ni Kuya Germs ang run-away winner para sa Male Best New Recording Artist para sa album na Ngiti.

Sa kanyang acceptance speech, nasabi niya na iniaalay niya ang award sa inang bed-ridden na sa ngayon dahil sa stage 4 na cancer ailment nito.

Hindi makalilimutan ni Jake ang sakripisyong ibinigay ng kanyang ina nang malakas pa ito noon na laging umaalalay sa kanya sa kanyang mga tapings, shooting at personal appearances.

Nang may sakit na ito at nakaratay sa ospital, ang kanyang ama naman ang sumasama sa kanyang mga lakad dahil grabe na nga sa ngayon ang sakit ng kanyang ina. Lately though, hindi na rin sumasama ang kanyang ama sa kanyang mga lakad, bagkus, ipinagkakatiwala na lang si Jake sa isang kaanak para samahan sa kanyang showbiz commitments.

Ani Jake, “Tingin ko’y inspiration ko ang aking mga magulang kaya ako nagsisikap ng ganito. Gusto ko silang matulungan. Pero, hindi rin mawawala ang pasasalamat ko sa aking ikalawang ama ngayon, na si Kuya Germs (German Moreno, ang kanyang manager).”

First music awards ni Jake ang kanyang nakuha sa Star Awards kaya sobra-sobra ang kanyang pasasalamat sa kinauukulan.

Nagpapasalamat din si Jake sa kanyang fans na patuloy na sumusuporta sa kanya at sa kanyang leading lady na si Bea Binene.
Ganun na lang ang pasasalamat ni Jake sa mga fans dahil No. 1 afternoon soap ngayon ang soap nila ni Bea, ang “Pahiram ng Isang Ina.”

000

SIKAT na talaga ang Wonder Gays. Aba, nang maging presentor ang grupo sa Star Awards for Music last Saturday ay maraming pumalakapak sa kanila. Lalo na ang mga bading at mga kababaihan. Kasi ba naman, lahat sila ay talented at may beauty rin.

Piling-pili ang grupo na bunga ng talent search ng kanilang manager na si Lito de Guzman. Alam ba ninyong dahil sa nag-hit nilang recordings, lalo na ang hit single nilang Blind Item na siya ngayong theme song ng mga showbiz oriented talk show, may solo concert last Tuesday night ang Wonder Gays sa Zirkoh Morato na ang mga bisita lang naman ay ang hunk actors na sina Polo Ravalez, Frank Garcia, Toffee Calma at  Ahron Villena. Kasama rin ang Mocha Girls para magti-tillate naman sa mga male audience.

Successful ang concert ng Wonder Gays sa Zirkoh base ito sa rami ng mga taong nanood sa kanilang first concert.

000

NABUKING ang pagiging malapit ni Derrick Monasterio sa mga babae particularly sa mga young girls ng GMA-7. Aba, nang kumakanta si Derrick last Sunday sa Party Pilipinas ay isa-isang lumapit sina Lexi Fernandez, Sarah Lahbati at Bea Binene para punasan ito sa mukha ng kanyang pawis.

Buti naman habang naglalapitan ang mga babaing nali-link sa kanya ay walang sabunutan o irapang naganap sa tatlo. Aba, behave naman silang lahat. Maaaring sabay-sabay silang niligawan ni Derrick noon dahil kilala naman nilang palabiro ito at di nararapat seryosin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply