Jennylyn Mercado hindi knows na mag-on sila ni Luis Manzano

KAHIT pa nagsusumigaw na ang katotohanan sa tunay na relasyon ngayon nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado, still patuloy pa rin nilang kinukumpirmang wala pa raw silang relasyon, as in hindi pa official na magsyota sila. Kahit pa sabihin nating ‘oo’ na lang ang hinihintay ni Luis kay Jennylyn, eh, sa pinakikitang sweetness nila sa isa’t isa, sa madalas na pagsasama nila sa mga lakaran at mga lambingan, hindi na siguro kailangan pang marinig mula sa dalawa na officially sila na nga. And take note, kung gaano sila ka-sweet bilang special friends to each other, ay kakilig din ang tawagan nila sa isa’t isa, ‘love.’ O di ba, hindi lang sa gawa maging sa salita ay sweet silang dalawa pero hindi pa rin daw sila mag-on.

Sabagay aminin man nila o hindi, ang mahalaga ay masaya silang dalawa at wala silang natatapakan. Paano na kaya kung aminin nilang mag-on na sila, hindi naman kaya masobrahan ang PDA, as in Public Display of Affection?

*******

Jolo Revilla may minanang sakit mula sa ama

KAHIT ligtas na sa kapahamakan ang anak na si Jolo Revilla ay bakas pa rin sa aura ang pag-aalala ng mag-asawang Bong Revilla at Lani Mercado.

Kamakailan lang kasi ay muling sinugod sa ospital si Jolo dahilan sa matinding pananakit ng ulo nito samantalang noong mga oras namang iyong nalaman ng mag-asawa na sinugod sa ospital ang anak ay nasa airport sila at handa nang mag-board sa eroplanong magdadala sa kanila sa Davao para sa isang earlier commitment.

Ang ending, dali-dali nilang kinansel ang flight at sumugod sa ospital. Sa isang panayam ay kumuha na raw sila Bong at Lani ng second opinion sa ibang doctor para sa tunay na kalagayan ng anak, unang check-up kasi ni Jolo ay wala naman nakitang kakaibang finding sa pananakit ng ulo ng binatang Revilla. Pero sa second opinion ay lumabas na may matinding migrane pala ito na pag sumumpong ay sadyang masakit. Ayon pa rin kay Sen. Bong Revilla, pareho sila ng sakit nang anak, na pag sumakit ang ulo ay talagang to the highest level.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply