Jinggoy third party sa Claudine-Raymart break-up

WALANG iba kundi si Senador Jinggoy Estrada ang itinuturong dahilan ng hiwalayang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Naunang lumabas sa mga blind item, hanggang sa isang impormante ang nagbuking na ang senador nga ang sinasabing third party sa away ng mag-asawa.

Ito ay makaraang madalas umanong pagkakakita kay Claudine sa piano bar na pag-aari ng mambabatas sa Greenhills, San Juan City.

Matagal nang nalalagay sa mga blind item ang magulong relasyon ng mag-asawa mula nang lumabas na may ibang lalaki ang aktres, hanggang sa madatnan ng media si Claudine sa isang sangay ng bangko sa Quezon Avenue kamakailan na umiiyak.

Kasama ng aktres ang kanyang abogado na si Atty. Agnes Maranan nang maganap ang insidente.

Nakuhanan pa ng kamera si Claudine habang galit na dinadakdakan ang teller ng bangko nang abutin sila ng kalahating oras bago sabihin sa kanya na wala na umano ang balanse ng kanyang pera na nakuha na sa pamamagitan ng inter-branch withdrawal.

Wala namang ibang itinuturong may gawa ng pagwi-withdraw kundi ang mister ng aktres na si Raymart na ka-joint account ni Claudine sa nasabing ipon.

Dahil sa nangyari, kinumpirma ng isang malapit na kaibigan ng mag-asawa na hiwalay na nga ang dalawa dahil sa third party na umabot pa sa malalang komprontasyon.

Tinangka namang hingan ng paliwanag ang kampo ni Senador Jinggoy Estrada pero napag-alamang nasa ibang bansa ngayon ang mambabatas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply