JM De Guzman dinidikitan nga ba ni Nadia Montenegro

FOR whatever reasons, may mga taong naiirita na kay Nadia Montenegro dahil sa sobrang pagdikit nito kay JM De Guzman. “Halos araw-araw na nagbababad sa condo ni JM sa Esguerra,” sabi ng isang source. At kasama pa raw ang anak na si Anaki.

Sa isang separate source naman naming narinig na sobrang crush daw ni Anaki si JM na kung bakit pati nanay niyang si Nadia, naging sobrang close na raw kay JM.

Bukod kina Nadia at anak niya, lagi rin daw nakababad ang iba pang kabarkada ni JM at kasama rito ang Roco twins na sina Dominic at Felix na bilib na bilib naman daw kay Nadia. Kabarkada na raw halos ang turing ng mga ito kay Nadia.

Tanong lang po, wala raw bang ginagawa si Nadia sa buhay at may oras na makipagbarkada sa mga bagets?

At hindi raw ba mayaman naman si Nadia na nakikipag-free load sa mga bagets?

Hindi raw ba mayaman ang mga Asistio?

Annabelle Rama, pakisagot lang po, hehehe!

And speaking of JM, kumalat yung isyung may anak na raw ito. Pero ngayong nagsisimula nang mag-taping si JM sa “Batang Ama,” remake ng kay Aga Muhlach noon, we are beginning to think na advance promo ito ng sikat na bagets actor ng ABS-CBN.

“Imposibleng magkaanak, pihikan sa babae si JM. Babae na nga’ng naghahabol sa kanya, matabang pa siya,” sabi ng kausap naming nagbuking na naghahabol kay
JM ang anak ni Nadia Montenegro.

Totoo kaya?

***

Rochelle Pangilinan galit nga ba sa starlet of the first degree na si Sheena Halili?

DENY-to-death si Sheena Halili tungkol sa di umano’y relasyon nila ni Rocco Nacino. Kahit na inaabot na ng umaga si Rocco sa bahay nina Sheena sa Pampanga, ayaw pa rin ngang umamin ng starlet na sila na nito.

Nang itanong sa kanya si Rocco, di raw niya alam kung nasaan? Aren’t you already on? “Ay, hindi pa po. We’re close, we go out, but we have yet to have a formal commitment with each other. Ayaw rin naming madaliin kasi we’re both busy kaya bihira nga kami magkita lately. Text-text lang.”

Nag-aaway nga ba sila ni Rochelle Pangilinan because she said Rochelle’s BF, Arthur Solinap, is “mukhang tatay na?”. “Naku, wala akong sinasabing ganun, honest. Ako pa, na napakatahimik ko sa set. I really don’t know why kumalat na may gap daw kami ni Rochelle sa taping as I’m also closer to Marian Rivera.

Walang ganun. Okay kami at walang issue between us. Hindi kami close friends pero nagbabatian kami sa set. Nakasama ko rin si Arthur sa shows like ‘Marimar’ at ‘Bantatay’ and okay naman kami. ‘Wag na kami gawan ng away,” pakiusap pa ni Sheena.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply