Jobless, undocumented OFW nagbebenta na ng dugo sa Saudi

NAGBEBENTA na umano ng dugo sa mga ospital ang mga overseas Filipino worker (OFW) na walang trabaho at undocumented sa Saudi Arabia.

Ayon kay Migrante Middle East Regional Coordinator John Leonard Monterona, marami nang OFW na walang trabaho sa Saudi ang dumulog sa kanila at nagkuwentong napupuwersa silang magbenta ng kanilang dugo sa mga ospital para makapagpadala ng pera sa kani-kanilang mga pamilya sa Pilipinas at para makaraos sa araw-araw.

Sa kabila nito, nilinaw ni Monterona na wala namang masama sa pagbebenta ng dugo sa mga ospital sa Saudi lalo’t hinihikayat pa nga ng ilang ospital sa Riyadh maging ang kanilang mga mamamayan na gawin ito para makatulong sa kapwa.

Sa ngayo’y umaabot na sa 8,000 hanggang 10,000 ang undocumented na OFW sa Saudi Arabia. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply