Joem Bascon nabighani nang husto kay Lovi Poe

NABIGHANI nang husto si Joem Bascon kay Lovi Poe nang magsamang muli sila sa movie nila sa Regal films.

Dati na kasing nagkasama sa ilang indie films noon ang dalawa, pero nang magsama sila sa Regal movie ay bloom na bloom na talaga ang beauty ni Lovi kahit na loveless pa rin ang actress sa ngayon.

Sa isang interview, nagsabi si Joem na nanghihinayang siya na di sila ni Lovi ang magka-partner sa kanilang pelikula. Bale ka-grupo lang niya si Lovi dahil puno ng mga aswang si Joem at may problema siya sa sexy actress dahil pasaway itong aswang at laging nai-in-love sa mga mortal people tulad ng pag-ibig niya kay Paulo Avelino, ang mortal na nahulog din ang loob kay Lovi.

Sa totoong buhay, hindi puedeng ma-in love ngayon si Joem kahit kanino dahil may karelasyon na siyang model. Bale naka-move on na siya sa break-up nila ni Merryl Soriano na dinamdam niya nang husto.

Anyway, tumaba siya nang husto that time dahil nagumon siya sa pag-inom ng alak.

Buti na lang, napagtanto niyang dapat siyang mabuhay muli at may career siya sa showbiz kaya nagpapayat siya at nagkaroon nga ng bagong syotang modelo.

Suffice to say, happy na raw siya ngayon sa bagong karelasyon.

000

Venus Raj naguguluhan kung saan pipirma ng bagong kontrata

MALALAMAN pa raw sa pagbabalik ni Venus Raj sa America ngayong November kung saang network siya pipirma ng bagong contract.

Naguguluhan ang dating 4th runner-up sa Ms. Universe kung saang network siya pipirma lalo na’t parehong may magagandang offers ang dalawang networks sa kanya?

Anyway, excited si Venus na pumunta ng America ngayon dahil first time siyang tatanggap sa Gawad America (isang samahan ng Filipino Commnity sa USA) na nagbibigay ng natatanging award sa mga Pinay na nag-contribute sa lahing Pinoy ng karangalan.

Pagkatapos ng pagtanggap ng award, tutuloy si Venus sa laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas kung saan makakasama niyang manonood doon si Mikael Daez at ang manager niyang si Jonas Gaffud.

Pagkatapos ng Pacquiao-Marquez fight, may ilang commitments pa doon si Venus, and then, balik-Pinas na siya para asikasuhin ang pagpirma sa isang network.

Kaya pagkatapos ng reign ni Venus bilang Bb. Pilipinas Universe, may malawak pang career ang naghihintay sa kanya. Aba’y pipirma rin siya ng movie contract sa Regal Films at maaaring naka-sign na siya bago pa man umalis ng bansa.

000

SPEAKING of Mikael Daez, nakapagpahinga siya ngayon pagkatapos ng sunud-sunod na assignments sa movie (via Temptation Island) at soap opera na Amaya, bukod pa sa kanyang sunud-sunod na appearance sa mga shows ng GMA7 tulad ng Spooky Nights, Party Pilipinas at Comedy Bar.

Maaaring sandaling pahinga lang dahil malapit na siyang magsimula o baka nakapagsimula na ng taping ng bagong soap opera sa GMA7, ang “Sundo” kung saan ka-triangle siya nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.
Di pa raw regular ang taping nito dahil February pa ang airing, kung di kami nagkakamali, kaya maluwang pa ang schedule ni Mikael.

Isinisingit niya sa ngayon ang pagpunta sa America para manood ng Paquiao-Marquez fight kung saan sariling pera ang kanyang ginamit para rito. Gusto kasi niyang bigyan ng premyo ang kanyang sarili for working so very hard.

Kaya ang dating walang panggimik na pera na si Mikael na sumubok na mag-model noon para lang makapunta sa Boracay kasama ang mga kaklase sa kolehiyo, ngayo’y magbabakasyon na sa America at manonood ng fight ng idol niyang si Manny.

Sosyal!

000

PAPASOK na ang mga characters ng mga bagong artista ng Tween Hearts na na-introduce na noong last season. Kabilang dito sina Ken Chan, ang lalaking pinagselosan ni Joshua Dionisio sa soap dahil nagkaroon ng special friendship sina Ken at Barbie Forteza sa istorya.

Gayundin, papasok na ang love team nian Hiro Magalona at Kim Komatsu.

Pasok na rin ang character ni TJ Marquez, na na-introduce noon bilang best friend ni Kylie Padilla. Tapos, magbabalik na rin si Kylie sa istorya bilang love interest naman ni Derrick Monasterio.

000

KAHIT may kalungkutan ngayon si Sen. Bong Revilla dahil napatay ang kanyang half-brother ng di malamang salarin, tuloy pa rin ang ikot ng buhay ng butihing senador. Tuluy-tuloy pa rin siyang naglilingkod sa bayan bilang senador habang ginagawa pa rin niya ang kanyang showbiz commitments tulad ng pagigng actor sa movie remake ng Ang Panday.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply