John Regala mas napansin nang gumanap na bading

NATATAWA si John Regala dahil sa tagal na niya sa showbiz bilang action star at salbaheng kontrabida sa pelikula ay mas natatandaan pa siya ngayon ng mga tao sa pagganap niya ng isang bading sa pelikulang Zombading: Patayin Sa Shokot si Remington.

“Hindi ako um-attend ng premiere night kasi parang nahihiya ako sa ginawa ko. Pero after ng screening ay nagpalakpakan lahat. Nagtawanan sila sa pagiging bading ko.

“Eh, kumita yung movie. Maraming nakapanood, Kaya kapag lumalabas ako, unforgettable sa mga manonood ang pagbabading ko sa ending. Nakakatuwa kasi malakas ang recall. Masarap pala na paminsan-minsan ay mga ganyan kang roles,” tsika ni John.

Dahil sa nakatutuwa at magaling na pagganap na bading role, malakas ang laban ni John na manalo ng award.

“Kung papalarin tayo, hindi ko tatanggihan ang award. Matagal na akong hindi nakatatanggap ng award,” pagtatapos ni John na may teleserye ngayon sa TV5.

***

TILA matutupad na ang dasal ni Laguna Governor E.R. Ejercito na makapasok ang kanyang pelikulang Asiong Salonga sa Metro Manila Film Festival sa December.

Kamakailan ay tinawagan daw si Gov ER ng committee ng taunang festival para sabihan na ipapasok na nila ang pelikula niya dahil iniatras na raw ni Robin Padilla ang entry nitong Mr. Wong sa festival.

Hindi na raw kasi makakahabol pa sa deadline ng submission ng finished product ang entry ni Robin dahil hindi pa raw ito nauumpisahan hanggang ngayon.

Nasabi nga ni Gov. ER nang makausap namin sa katatapos na PMPC Star Award for Music last Sunday, nakahinga na raw siya ng maluwag dahil dininig ang dasal niyang makapasok sa MMFF ang kanyang movie na ginastusan talaga.

Ang problema ay tila makukumpromiso raw ang black and white concept ng movie na ang lalabas lang na colored ay ang mga dugong gagamitin sa mga violent scenes.

Sinabihan daw kasi si Gov. ER na huwag nang gawing kulay pula ang mga madudugong eksena sa pelikula para hindi mapag-initan ng MTRCB.

Pinag-iisipan pa ni Gov kung gagawin na lang niya ng totally black and white ang kulay ng finish product ng kanyang movie o gagawing technicolor. Nanghihinayang kasi si Gov sa gagawing pagbabago ng concept ng pelikula.

Bago kasi nila gawin ang remake ng Asiong Salonga, plano na nila na ang kalalabasan ng movie ay hango sa international movie na Kill Bill at 300.

Hindi lang ito ang kakaharaping challenge ni Gov ER sa pelikula dahil may problema raw siyang nakikita sa poster ng Asiong Salonga kung saan nakasubo kasi sa bibig niya ang isang sigarilyo at hawak-hawak pa niya ang isang de-kalibreng baril.

Naisip daw niya na baka pag-initan ng PMA ang kanyang poster dahil sa sigarilyo.

Matatandaan kasi na pinuna rin sina Nora Aunor na may hawak ng sigarilyo na naging cover pa ng magazine at si Anne Curtiz na may hawak din na sigarilyo.

Sabi ni Gov. ER, kung napuna ng PMA sina Nora at Anne na hawak lang ang sigarilyo, mas malaki ang posibilidad na mapansin ang sa kanya dahil nakasubo sa bibig niya ito.

Ayaw ikumpromiso ni Gov. ER ang kanyang poster dahil masisira ang character ni Asiong Salonga.

Anyway, masaya siya at mga co-star niya sa remake ng movie na unang pinagbidahan ni former President Joseph Estrada.

Thrid week na nang labanan ng mga kandidata sa Miss Universe Beauty Parlor ang magaganap sa Comedy Bar ngayong Sabado sa GMA-7 kaya naman maging ang mga host na sina Allan K, Eugene Domingo, Fabio Ide, kasama rin ang Beergins, Six Feet Long Band at mga stand-up comedians ay naghahanda na rin sa salpukan ng mga babaeng may lawit.

Samantalang makikigulo rin sa game na Idikit Mo Ang Saiyo sina Julia Clarete, Jace Flores, AJ Tabaldo, Bernie Ann at sino sa kanila ang huling matitira?

Kaabang-abang ang gagawing gimik ni Fabio at this time ay question for sale. Ano yun?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply