Jones undercard ni Cotto

KASAMA sina Mike Lee, Delvin Rodriquez, Mike Jones at Pawel Wolak sa undercard ng Miguel Cotto-Antonio Margarito world championship card sa December 3 sa Madison Square Garden sa New York.

Si Jones ay isa sa mga napipisil na makakalaban ni Manny Pacquiao sa susunod na taon.

Sina Wolak at Rodriguez ay magkakaharap na ulit sa “Fight of the Year” candidate clash nila noong Hulyo.

Samantala, si Jones (25-0, 19 KOs), #1-rated contender, ay dedepensa sa 12-round IBF welterweight title elimination bout laban kay Sebastian Lujan (38-5-2, 24 KOs).

Kasabay nito, si Lee (7-0, 4 KOs) naman na University of Notre Dame graduate ay unang laban pa lamang sa New York.

Si WBA lightweight world champion Brandon Rios naman umano ay dedepensa laban kay John Murray, ayon kay Hall of Fame promoter Bob Arum.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply