Journalist tepok sa riding in tandem

NASAWI ang isang branch manager ng First Isabela Cooperative Bank (FicoBank) at isa ring editor in chief ng isang pahayagan makaraang barilin ng riding-in-tandem habang patungo ito sa kanilang corporate meeting kaninang alas-7:00 ng umaga, Oktubre 7.

Nabatid na binabagtas ng Crosswind na minaneho mismo ni Johnson Pascual, ng Centro, San Agustin, Isabela, patungo sa kanilang corporate office sa Minante I, Cauayan City ang kahabaan ng national highway sa Rizaluna, Alicia, Isabela nang siya ay paputukan ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Batay sa pahayag ng nakasaksi, sumabay sa Crosswind ang motorsiklo na sinasakyan ng mga suspek at pumunta sa kaliwang bahagi nito saka pinaputukan si Pascual ng tatlong beses.

Nagpagewang-gewang ang sasakyan ni Pascual na ikinabangga sa bakod ng isang bahay sa tabi ng daan makaraang magtamo ng tama ng isang bala sa kanyang ulo na naging sanhi ng agad niyang kamatayan.

Si Pascual, na residente ay branch manager ng FicoBank sa Maddela, Quirino at editor-in-chief ng Prime News, isang local newspaper kung saan naging blocktimer din siya sa isang himpilan ng radyo sa Santiago City at speechwriter ni dating Rep Anthony Miranda ng 4th district ng Isabela.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply