Jueteng umariba sa Batangas at matuwid na daan sa BOC

SMALL Town Lottery ang diskarte pero jueteng ang kubransa.

‘Yan ang sumbong ng ating UZI na nagaganap sa Lipa City, Batangas.

Mariing sinabi sa matuwid na daan na tuluyan nang lulusawin ang jueteng sa bansa pero mukhang mas matindi ang kinang ng salapi kaysa utos ng hari.

PANGASINAN CONNECTION

Isang mataas na opisyal ng Pangasinan na kilala sa tawag na Sison ang operator ngayon ng STL con jueteng sa Lipa City.

Aba…Dumayo pa! Sabi ni Bro. Paul Gutierrez.

Alam kaya ni Region 4 Director, Gen. Gil Meneses ang nangyayaring ito?

PNP REGION 4

Isang Peralta raw at De  Belen ang nagbigay ng basbas kay Sison para mag-operate sa Lipa City.

May alam ang ULTIMATUM na Peralta sa Region 4 pero ito yung si Col. Peralta na hepe ng Regional Special Operations Group (RSOG).

Malabong may kinalaman ito sa sinasabing basbasan dahil isa ito sa trusted man ni Gen. Meneses. Malinaw naman ang order ni Gen. Meneses na bawal ang iligal na sugalan sa buong Region 4.

Pero…Yan ang sabi nya!

DE BELEN ANG KOLEKTOR

Isang De Belen daw ang ginagamit na kolektor sa Region 4 na ang kaladkad naman ay ang pangalan ng butihing heneral.

May kilala tayong De Belen na talaga nga namang notorious na kolektor sa PNP-CIDG noong araw pa, pero mukhang ito na naman ata ang inginunguso ng ating UZI na promotor ng iligal na pasugal sa buong Region 4.

LIPA MAYOR SABILI

Totoo bang nagkaroon na ng bulungan si Mayor Sabili at ang Pangasinan connection na si Sison?

Kaya grabe naman ang lakas ng loob na isang dayo ang mag-ooperate ng iligal sa Lipa? Magkano, este, papaano na ang gagawin natin, Mayor, para mapigilan ang iligal na ito?

P1-MILYON SA R-4A

Tumataginting na P1 milyon ang inihatag na goodwill money nitong si Sison kay De Belen. Siyempre di naman daw papayag yung PERAlta na hindi s’ya kaharap. Alam kaya ni Gen. Meneses ito?

O baka naman tumangkad na naman sa bukol ang kagalang-galang na heneral.

NASAAN ANG TUWID NA DAAN SA BOC

Hilong-hilo na ang mga importer at broker sa Bureau of Customs kung paano tatahakin ang matuwid na daan.

Bakit? Nagkalat kasi ang mga gagong gumagasgas sa pangalan ng mga opisyal na sugo ng Palasyo sa matuwid na daan tulad nina Comm. Ruffy Biazon at Depcom. Danny Lim.

Unahin na natin ang tanggapan ni Comm. Biazon na nagkalat ang mga nagutom nung nakaraang administrasyon.

Kanya-kanyang usapan kanya-kanyang papelan kung sino ang tatanggap ng lingguhang tara.

Pero ang sabi ni Komisyuner…NO TAKE ang opisina n’ya.
Sabi ni Comm. yun!

PARA KAY DEPCOM DANNY LIM

Isinumbong natin kay Depcom. Danny Lim na may ilang tauhan ito na nakikipag-ugnayan sa mga broker at importer na sila raw ang kausapin pagdating sa transaksyon sa opisina ng Deputy Commissioner for Intelligence.

Nand’yan daw ang grupo ni Paje na nag-set pa ng miting noong isang linggo sa mga player para ipakitang s’ya ang may basbas ni Depcom. Lim.

Hooops! Hindi ho sinasabi ng ULTIMATUM na may hinihingi ang mga ito sa kanilang mga nakakausap ha.

Pero may isang nagpapakilalang Jun Kalabaw na nagsasabi ring s’ya ang tamang daan sa opisina ng Deputy Commissioner for Intel.

Alam naman sa apat na sulok ng BoC na ang papel ni Jun Kalabaw ay kilalang kilabot na kolektor ng mga operatiba.

Nang makapanayam natin si Lim ay sinabi nitong wala “as in” wala siyang pinapayagan na makipag-usap sa players lalo na sa usaping lingguhang payola sa pier.

Kaya una na raw na pinagpahinga si Paje dahil baka nga naman makasira ito sa kanyang magandang layunin.

SA KAWALI KA MAUULINGAN

Huwag naman po sanang mangyari ang nangyari noong nakaraang administrasyon na marami ang humawak sa kawali pero ayaw maulingan.

Yun bang === gustong kumita pero ayaw magpakita.

Malaki pa rin ho ang tiwala ng ULTIMATUM na kaya nina Comm. Biazon at Depcom. Lim na mapatino ang Customs pero yan ay kung magtutulungan sila at hindi magtatakutan.

PAYO NG ULTIMATUM

Pakisabi lang ho sa mga tauhan n’yo na unahin ang koleksyon para sa kaban ng bayan bago nila isipin ang koleksyon para sa sariling bulsa.

Para naman po sa inyo Comm. Biazon at Depcom. Lim naniniwala pa rin po ang ULTIMATUM na hindi kayo manghihingi pero kayo po ang tatanungin namin….
Maniniwala po ba kayo na ang mga tauhan n’yo ay hindi tatanggap?

NAGTATANONG LANG PO

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

ANTI-PACQUIAO

Tama nga naman ang reklamo ng isang tagasubaybay sa pitak na to ng Remate. Nasaan nga ba naman lagi yang si Pacquiao? Nasasayang lang ang oras at puwesto na ibinibigay ng gobyerno sa kanya dahil ‘di naman niya magampanan.

At nasaan nga naman ang pagiging bayani niya at ‘di man lang siya mamahagi ng Milyong Dolyar niya para sa mga nasalantang kababayan. Mga pera niya, nilulustay lang sa pagpapa-retoke ng kasama niyang Ipis.

Pakipaskil lang po ito, sir Benny. Alvin fr. QC. +63920276

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply