Junior rescuers program, ikinasa sa Kyusi

SA murang edad pa lamang,  hinahasa na agad ng Quezon City government ang pagsasanay sa mga pampublikong high school students para sa pagkakasa ng  disaster preparedness at rescue operation.

Ang disaster control division (DCD) ng QC Department of Public Order and Safety (DPOS) ay nagsasagwa ng training activities para sa maging junior rescuers bilang parte ng pagpupursige ng city government para matiyak na ang mga residente ng lunsod ay may kaalaman sa tuwing may emergency situations na resulta ng climate change.

Sinabi ni DPOS chief Elmo DG. San Diego kay Mayor Hebert Bautista na ang unang pagsasanay ay naganap sa San Bartolome High School sa District 2 nitong nakaraang araw lamang.

Adhikain ng junior rescuers program ay para ihanda ang mga estudyante sa  emergency tasks para mabawasan ang kaswalidad sa panho ng kalamidad. Ang paksa sa pagsasanay at oriyentasyon ay  ang early warning system, evacuation management, first aid, at kung ano ang dapat gawin bago at pagtapos ng isang kalamidad.

Sa kasakukuyang buwan pa lamang, sinabi ni San Diego, na may nasanay nang 310 junior rescuers sa pamumuno ni rescue personnel na si Dr. Noel L. Lansang sa San Bartolome High School at apat pang ibang high schools sa District 2.

Ang iba pang eskuwelahan na may hinasang junior rescuers’ training sessions ay ang Cecilia Muñoz Palma High School , Culiat High School , Bagong Silangan High School , and Novaliches High School . Six teachers at ang Novaliches High School.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply