Ka Roger Rosal matagal nang patay — CPP

INANUNSIYO na ng Communist Party Of The Philippines ang pagkamatay ng kanilang tagapagsalita na si Gregorio “Ka Roger” Rosal.

Sa kanilang pahayag sa CPP website, inihayag ng liderato ng mga rebelde na binawian ng buhay si Rosal noong Hunyo 22 dahil sa atake sa puso.

Ipinaliwanag ng organisasyon na ipinagpaliban nila ang pag-aanunsyo ng kamatayan ni Ka Roger upang bigyan ng sapat na panahon ang kanilang mga opisyal na ipaalam sa mga anak nito ang pagkamatay ng tagapagsalita.

Magkakaroon naman ng tribute para kay Ka Roger sa Oktubre 15 at bibigyan siya ng gun salute ng mga rebelde.

Inilarawan ng central commttee si ka roger bilang mukha at boses ng revolutionary movement ng mga Pinoy.

Sinimbolo anila nito ang pakikipaglaban ng mga ordinaryong tao kabilang ang masa, mga manggagawa, urban poor, mga emoleyado at small professionals.

Mayo 2, 2006 nang dumanas si Ka Roger ng ikatlong stroke na nagresulta sa mas matinding pinsala sa katawan.

Si Rosal ay ipinanganak sa Ibaan, Batangas noong Abril 19, 1947 at sumanib sa kilusan noong 1973 at 1993 nang mapili siyang tagapagsalita.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply