Kaalyado ni PNoy payag na makaalis si GMA

MISMONG ilang kaalyado ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang nagsabing hindi dapat hadlangan ang pagpapagamot ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo sa ibang bansa.

Ganito ang paniwala ni House Deputy Speaker at Quezon Rep. Lorenzo “Erin” Tanada III, tagapagsalita ng Liberal Party (LP).

Ayon kay Tanada: “I believe the government should allow her to seek medical attention despite the assurances of her doctors that her condition has improved because it does not mean that she is escaping liability. “

Ngunit kung hindi aniya babalik sa bansa ay nangangahulugan lamang na ito ay guilty at nais niyang takasan ang kaniyang mga kaso.

Ngunit makailang ulit na tiniyak ni GMA sa pamamagitan ng kaniyang abogado at tagapagsalita na si Atty. Raul Lambino na walang balak tumakas ang dating Pangulo sa kaniyang mga kaso kundi humahanap lamang ito ng mahusay na manggagamot na titingin para sa kasalukuyang natuklasang karamdaman na hypoparathyroidism at bone mineral disorder.

Nauna rito ay nanawagan si ACT Partylist Reo. Antonio Tinio na huwag payagan si GMA na magtungo sa US, Germany, Italy, Spain at Singapore para daw makapagpagamot dahil posibleng gamitin itong paraan upang takasan ang mga kinakaharap na kaso sa bansa.

“President Aquino should not allow GMA to travel. The very itinerary that she has submitted, which will take her through Singapore, Spain, Germany, Italy, and the US in a month-long trip casts doubt on her alleged purpose of seeking medical treatment,” ayon kay Tinio.

Tiniyak din ni Lambino na gagawin ng kanilang kampo ang lahat ng legal na paraan upang mapayagan ng Department of Justice (DOJ) ang kaniyang kliyente na makapagpagamot sa ibang bansa.

Muling iniligay si Arroyo sa travel watchlist dahil sa ilang kasong plunder na isinampa laban sa kanya. Kasama rin nito sa watchlist ang asawang si dating FG Mike Arroyo.

Dalawang subpoena ang dumating sa tanggapan ni Arroyo nitong nagdaang lingo para dumalo sa preliminary hearing sa isinasagawang imbestigasyon ng DOJ at Commission on Elections hinggil sa electoral sabotage at violation of the Omnibus Election Code para sa electoral fraud na isinampa ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply